-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ipinaliwanag ng kinatawan ng 4th District ng Isabela ang kanyang naging boto sa Anti-Terrorism Bill na pumasa na sa senado at kamara.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Congresswoman Sheena Tan ng Isabela, sinabi niya na nag-abstain siya sa nasabing botohan dahil sa itinuturing niyang constitutional infirmities sa panukalang batas.

Kabilang na aniya rito ang bilang ng araw na makukulong ang sinumang terorista at lumabag sa batas na aabot sa 14 na araw at maari pang madagdagan ng 10 araw na kung titignan ang batas ay dapat 36 hours lamang.

Maganda aniya ang layunin ng panukala subalit dapat itong mapag-aralang mabuti para hindi maabuso ang karapatang pantao ng mahuhuli.

Si Kinatawan Tan ay isa lamang sa 29 na mambabatas na nag-abstain sa Anti-Terrorism Bill.