-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ng mga senador ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na buwagin ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ang Office of the Cabinet secretary.

Tinawag ni Senador Aquilino Pimentel III, ang nasabing hakbang na good development dahil inalis nito ang pagdoble ng mga tungkulin, pag-maximize ng oras ng lahat sa gobyerno upang maging abala at produktibo hangga’t maaari.

Umaasa si Pimentel na ito ay humantong sa ilang uri ng pagtitipid.

Dapat ipahayag ng Malacañang kung magkano ang pera ng mamamayan ang matitipid sa kanilang mga pagsisikap sa reorganisasyon.

Si Pimentel ay tinaguriang “shoo-in” Senate minority leader kapag nagsimula ang 19th Congress sa Hulyo 25.

Samatala, sinabi naman ng nagbabalik na senador na si Francis ‘’Chiz’’ Escudero na nasa kapangyarihan at desisyon ito ng pangulo na may layuning marahil ay pahusayin ang executive department.

Para kay dating Senador Panfilo Lacson, ang pag-abolish sa PACC ay isang magandang hakbang.