-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine Air Force (PAF) matapos ang pagbagsak ng kanilang trainer aircraft na ikinasawi ng dalawang piloto.
Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Christina Basco, dalawang piloto nila ang nasawi sa nasabing insidente na nangyari sa isang training navigational flight sa Benguet.
Base sa imbestigasyon, bumagsak ang SF-260 trainer aircraft sa Barangay Cabuyao sa bayan ng Tuba, Benguet dakong 10:30 ng umaga.
Kasama ang nasabing eroplano sa formation ng 10 SF-260 aircraft na galing sa Fernando Air Base sa Lip City, Batangas at patungo sa Baguio City.
Sa ngayon ay inaalam pa rin nila ang pinakasanhi ng nasabing aksidente.
















