-- Advertisements --

Hinihimok ni Sen. Manny Pacquiao si Pangulong Rodrigo Duterte na kumalma sa harap nang maanghang na palitan nila ng mga salita kamakailan.

Tinitiyak din niya sa Punong Ehekutibo na hindi siya naghahamon ng gulo, pero nais lamang na tumulong sa pagsawata sa korapsyon sa loob ng pamahalaan.

Sa isang briefing kahapon, sinabi ni Pacquiao na hindi niya hangad na galitin si pangulong Duterte.

Sa katunayan, naiintindihan din niya ang galit ng Pangulo sa issue nang korapsyon, na siyang nakikita rin niyang pangunahing dahilan nang kahirapan sa bansa.

“Nire-respeto ko po ang ating Pangulo, napanood ko at narinig ko ang sinasabi ng ating Pangulo na nawawalan na siya ng pag-asa dahil sa lumalalang korapsyon sa ating bansa,” ani Pacquiao.