-- Advertisements --

Inamin ni Sen. Manny Pacquiao na labis ang kanyang excitement sa muling pagbabalik sa tanyag na Wild Card Gym sa Hollywood, California na naging bahagi ng kanyang pamamayagpag sa mundo ng boxing sa nakalipas na maraming taon.

pacquiao roach

Ang pagbabalik ni Pacquiao sa Amerika ay bilang paghahanda sa big fight sa darating na August 21 kontra sa kampeon na si Errol Spence.

Nagbiro naman si Pacman na sana hindi magalit ang kanyang master at Hall of Famer coach na si Freddie Roach kung saan late siya sa kanyang unang araw ng ensayo sa gym.

Ayon sa fighting senator, kinailangan muna kasi niyang magbayad ng testing deposit sa Voluntary Anti-Doping Association ng Amerika para sa drug test.

Tinatayang mayrooon pang anim na linggo na nalalabi ang 42-anyos na si Pacman upang mapakondisyon ng husto ang kanyang katawan.

Ang 31-anyos na si Spence ay itataya naman ang kanyang korona sa welterweight division na World Boxing Council at ang International Boxing Federation.

Narito ang Twitter posts ni Pacquiao:

“Excited to be back at Wild Card Gym with coach Freddie!#PacquiaoSpence”

“I hope master @FreddieRoach isn’t mad at me for being late for my first day of training at @WildCardBoxing1. I had to give @Vada_Testing a deposit first. #PacquiaoSpence @PBConFOX”