-- Advertisements --
Nagdaos ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Sur ng Dengue Command Conference noong Setyembre 28 upang tugunan ang tumataas na kaso ng dengue sa lalawigan.
Ayon sa datos hanggang Setyembre 24, nakapagtala ang CamSur ng 1,233 kumpirmadong kaso at 18 ang nasawi kung saan kabilang sa may pinakamaraming kaso ang Bato, Nabua, at Pili.
Dahil dito, idineklara ni Gobernor Lray Villafuerte ang state of calamity at iniutos ang pagpapatibay ng surveillance, paghahanda ng mga ospital, mabilis na referral ng mga pasyente, at pamamahagi ng kinakailangang suplay.
Hinimok din ang publiko na magsagawa ng search and destroy sa mga pinamumugaran ng lamok at sundin ang upang mapigilan ang pagdami ng kaso. 4Ts: Taob, Taktak, Tuyo at Takip










