-- Advertisements --

Itinanggi ni Senator Manny Pacquiao na ito ay “nag-gatecrash” sa Malacañang para makadaupang palad si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito sa naging pahayag ng pangulo na hindi niya inimbitahan si Pacquiao at wala ring kaalam-alam sa kanilang pagpupulong.

Dagdag naman ng senador na maging siya ay blangko rin na mayroon din itong pagpupulong.

Paliwanag pa niya na napaka-imposible na makasalamuha ang pangulo kung wala itong opisyal na appointment.

Nauna ng sinabi nito na si 1 Pacman Party-list Rep. Eric Pineda ang siyang nag-imbita sa kaniya para makipagpulong sa pangulo.