-- Advertisements --

Nangako si Indiana Pacers star Tyrese Haliburton ng mas magandang performance sa do-or-die na Game 6 kasunod ng nakakadismayang laro sa Game 5.

Maalalang nalimitahan lamang sa 4 points ang all-around star sa loob ng 35 mins na paglalaro matapos na hindi niya maipasok ang 6 shots na kaniyang tinangka. Ang 4 points na kaniyang nagawa ay pawang mga free throw na naipasok na lamang sa 2nd half ng laro.

Hindi rin gaanong nakapag-ambag si Haliburton sa depensa at tanging pitong rebounds at anim na assists ang kaniyang nakulekta. Hindi na siya pinalat na makapag-rehistro ng steals at blocks, kayat sa pagtatapos ng laro ay hawak niya ang negative (-) 13 na point differential.

Ayon kay Haliburton, hindi na dapat mangyari muli ang kahalintulad na performance sa darating na do-or-die game. Gugugulin umano niya ang nalalabing araw para pagbutihin ang shots, passing ability, at ang pagdidikta ng magandang pacing habang nasa loob ng hardcourt.

Giit ng Pacers star, tiyak na ang kanilang kahandaan sa Game 6 na nakatakdang ganapin sa homecourt ng Indiana.

Samantala, pinawi naman ni Haliburton ang pangamba ng mga sports fans ukol sa napansing minor calf injury habang naglalaro sa Game 6.

Ayon sa Pacers guard, bagaman mistulang nagpupumilit siyang maglaro at tila hindi nagagawa ang dating performance, tiyak aniyang pagbubutihin ng koponan ang susunod nitong laban, sa pamamagitan ng pag-review sa nakakadismayang Game-5 loss ngayong araw, June 17.

Kung babalikan ay tinapos ng Thunder ang Game 5, tangan ang 11-point lead, 120-109. Sa kabuuan ng laban ay hawak ng winning team ang lead at hindi nakahabol ang Pacers sa kabila ng pagtatangka ng koponan na bumawi sa 2nd-half ng laro.

Sa araw ng Biyernes (June 20) ay gaganapin ang do-or-die Game 6.