-- Advertisements --

Nakibahagi sa pagdinig ng Senado si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica, upang ilahad ang mga natuklasan nitong katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Belgica, napakatindi ng katiwalian sa PhilHealth mula pa noong mga nakaraang taon.

Ikinatuwa nito ang nabuong task force na sisiyasat ng direkta sa bumabalot na korapsyon sa nasabing tanggapan.

Ang kanilang data umano ay ilalakip sa makakalap ng investigating body at Senado para mapalakas ang kaso laban sa mga tiwaling opisyal.

“We will file a case before the Ombudsman. Probe will continue under Task Force PhilHealth,” wika ni Belgica.

Lumalabas sa data ng PACC official na pumapalo hanggang P3 billion kada linggo ang nailalabas na pondo ng PhilHealth na lantad sa korapsyon, kaya naniniwala ito sa rebelasyon ng ilang testigo mula sa loob ng naturang tanggapan.