-- Advertisements --
Maraming mga mag-aaral ang hindi pinauwi sa isang primary school sa China matapos na magpositibo sa COVID-19 ang staff member ng paaralan.
Nabahala ang maraming mga magulang habang naghihintay sa labas ng paaralan para hintayin na makalabas ang kanilang mga anak.
Isinailalim pa kasi sa COVID-19 testing kasi ang mga mag-aaral at naghintay pa sila ng magdamag para makuha ang resulta.
Dahil sa insidente ay pansamantalang isinara ang nasabing paaralan.