-- Advertisements --

Muling binuksan at inalayan ng dasal ng mga opisal ang religious school na inatake ng suicide bombing sa Peshawar, Pakistan.

Nais ng mga muezzin na ipakita sa mga umatake na hindi sila natatakot kaya isinagawa ang pagdarasal.

Magugunitang nasa walong estudyante ang nasawi sa nasabing atake at ikinasugat ng 80 iba pa.

Wala namang grupo ang umako sa nasabing pang-aatake.