-- Advertisements --

Nanindigan si Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Roy Galido na mananatiling professional ang kasundaluhan ng Pilipinas.

Ito ay sa gitna ng mga nangyayaring political event sa bansa tulad ng kamakailang pag-aresto kay dating Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon kay Gen. Galido, mananatiling naka-pokus ang Philippine Army sa tungkulin nito at hindi magpapa-apekto sa anumang political situation na mayroon sa bansa.

Pangunahin dito ang pag-protekta sa soberanya ng Pilipinas, lalo na ang paghahanda para depensahan ang buong bansa.

Kasabay nito ay mananatili aniyang susunod sa ‘chain of command’ ang militar.