Inihahanda na ng economic team ng ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang economic stimulus package na hihilingin sa Kongreso.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez sa pakikipagpulong kay Pangulong Duterte ang economic stimulus package na hihilingin sa Kongreso ay nagkakahalaga ng P80 billion.
Ayon kay Sec. Lopez, ang economic stimulus package ay gagamiting pang-ayuda sa mga micro small medium enterprises (MSMEs).
Inihayag ni Sec. Lopez ang mga MSMEs ang matinding tinamaan ng epekto ng pagtigil ng operasyon kaugnay ng ipinatupad na enhance community quarantine (ECQ) sa buong Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.
Niliwanag ni Sec. Lopez na kapag napagtibay ng Kongreso ang panukalang economic stimulus package maaaring makautang ng puhunan ang mga naluging MSMEs na mababa lamang ang interest rates.