-- Advertisements --

Posibleng sa kalagitnaan ng Nobyembre inaasahang darating sa bansa ang 150 libong metriko toneladang asukal na inangkat ng bansa.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban na sa panahong iyon ay inaasahang magiging matatag ang presyo ng asukal sa merkado.

Tatlong milyong bags aniya na murang asukal ang babaha sa mga palengke sa murang halaga na pakikinabangan ng mga consumer.

Ayon kay Panganiban, P70 hanggang P80 kada kilo ang inaasahan nilang magiging presyo ng kada kilo ng asukal pagsapit ng panahong yan, mas mura kesa sa P90 hanggang P110 kada kilo na naitatalang presyo ngayon sa mga pamilihan.