Sinimulan nang ipamahagi ngayong araw, Nobyembre 15, 2023, para sa mga kwalipikadong kawani ng gobyerno ang pamamahagi ng kanilang year-emd bonus at cash gift.
Sa isang pahayag ay inanunsyo ng Department of Budget and Management na simula ngayong araw ay matatanggap na ng mga qualified government personnel ang kanilang year-end bonus na katumbas ng kanilang isang buwang basic salary.
Habang nagkakahalaga naman ng Php5,000 ang kanilang mga matatanggap na cash gift.
Ang naturang benepisyo ay mula sa Php69.4-billion na halaga ng pondo na inilabas nito kung saan nasa Php45-billion ang itinalaga para sa mga civilian personnel na nagtatrabaho sa national government agencies.
Habang aabot naman sa Php15.2-billion naman ang allocated para sa military and other uniformed personnel.
Samantala, kabilang sa mga kwalipikadong kawani ng gobyerno ay ang mga manggagawang nakapag-render ng kanilang serbisyo ng hindi bababa sa apat na buwan mula noong Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2023.