Nakatakda ng ideliver sa Philippine Air Force (PAF) ng Japan sa buwan ng Nobyembre ang unang batch ng nagkakahalaga ng P5.5 billion na air defense radar system na layong magpapalakas sa territorial airspace ng bansa.
Kinumpirma ng Japanese embassy na sinimulan na ang transfer para sa una sa apat na fixed and mobile air surveillance radars.
Ito’y sa ilalim ng kontrata ng Department of National Defense at ng Mitsubishi Electric Corporation at sa pakikipagtulungan ng Japan Ministry of Defense para sa pagsusuplay nito ng apat na makabagong Air Surviellance System para sa pagprotekta ng Air at Naval Territory ng bansa.
Sa kabilang dako, sumailalim naman sa pagsasanay ang mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) personnel kaugnay sa tamang paggamit ng radar.
Nais isulong ng Ministry of Defense ng Japan ang pagkakaroon ng matatag at maayos na kooperasyon ang mga bansa na nasa Indo-Pacific upang makapagbahagi ng mga bagong kagamitan at mas mapatatag pa ang pagkakaibigan ng mga bansang nakapaloob dito.
Kamakailan ay nagtungo na sa Japan ang mga kawani ng Philippine Air Force upang magsanay sa paggamit ng makabagong Air Surviellance System ng bansa.