-- Advertisements --
Tiwala ang Senado na ma-ratipikahan na nila ang proposed P5.268-trillion General Appropriation Act ng 2023 hanggang sa katapusan ng Nobyembre.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na ang GAB ay ma-iisponsoran ngayong araw at magsisimula ang debate matapos ang isang araw ng sponsorhip.
Target nila ng maaprubahan ito sa third at final reading sa Nobyembre 23.
Paglilinaw nito na walang mga committee hearings na isasagawa sa deliberasyo ng 2023 GAB at ang Commission on Appointments sessions ay suspendido ng hanggang Nobyembre 23.
Pagtitiyak din nito na hindi makakaranas ang bansa ng reenacted budget sa 2023 dahil sa may magandang ugnayan ang lower at upper chambers.