-- Advertisements --

Nasabat ng Bureau of Customs(BOC) sa Port of Cebu ang tinatayang aabot sa P4.4 million na halaga ng gamit ng damit o ukay-ukay.

Ang shipment ay dumating sa port at nakadeklarang naglalaman ng mga hotel supplies.

Nang idaan ang kargamento sa x-ray inspection ay dito na nakita na ukay-ukay pala ang mga laman nito kung saan nakabalot sa halos 700 na mga plastic bags at naka consign sa isang Chenelyn Ortis.

Naglabas na ng Warrant of Seizure and Detention ang Acting District Collector sa BoC-Cebu na si Atty. Charlito Martin Mendoza laban sa nasabing shipment.

Ipinangako pa ng ahensiya na panatilihin nito ang pangakong kampanyang anti-smuggling kung saan may koordinasyon sila sa bawat daungan ng bansa upang mapataas pa ang border security.