-- Advertisements --

Sa kulungan ang bagsak ng 3 drug suspek matapos makumpiska ang kabuuang P3.6 million na halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad nitong lungsod ng Cebu.

Unang naaresto ang dalawang indibidwal sa isinagawang operasyon ng Drug Enforcement Unit sa Brgy. San Roque nitong lungsod kung saan nakumpiska ang 240 gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P1.6 million.

Nakilala ang mga naaresto na sina John Carlo, 33 anyos at Junery Cuizon, 25 anyos.

Samantala, arestado naman ng City Intelligence Unit ang isang kinilalang Carl Negro, 23 anyos sa Barangay Kinasang-an nitong lungsod matapos makumpiska ang 305 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P2, 074,000.

Dati nang nakulong si Negro taong 2020 at nakalaya lang noong Marso nitong taon.

Inihayag pa ng mga otoridad na makakapag-dispose ito ng 300 hanggang 500 gramo ng ‘shabu’ kada linggo sa Pardo at iba pang karatig barangay.

Isang alyas Manoy umano na kaibigan nito at nasa loob ng City jail ang nagsusupply sa kanya ng droga.

Nahaharap ngayon ang mga naarestong drug suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.