Nasa P17-million halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga kapulisan sa isinagawang buybust operations sa Las PiƱas City nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Jerrymias Suson at Miguel Catillo kung saan nakuha sa mga suspek ang aabot sa 2.5 kilos ng shabu.

Isinagawa ang buybust operation sa Barangay Pamplona Tres kung saan nakabili ang mga kapulisan ng P1.5 million na halaga ng droga.

Nakakulong na ang mga naarestong suspek at inihahanda na ang kaso laban sa mga dito.