NAGA CITY- Nakumpiska ang aabot sa 1,657 piraso ng mga delatang pinaniniwalaang kulang sa mga kaukulang dukomento matapos ang isinagawang inspeksyon ng Committee on Investment Trade Industry and Economic Enterprises sa lungsod ng Naga.
Sa naging pahayag ni Naga City Coun. Joe Perez, ang chairman ng nasabing ahensya sinabi nito na ang nasabing bilang ay mula sa lahat ng shopping malls sa lungsod na nagkakahalaga ng aabot sa P162,000.
Nabatid na ang nasabing mga produkto ay isang process food na “Ma Ling” Chicken meat products.
Ayon kay Perez, napag-alaman na ito ay mula sa bansang China kung saan maari umano itong kainin dahil mayroon naman itong certification ng Food and Drug Administration (FDA) ngunit wala umano itong importation paper.
Dahil dito agad umano itong isinailalim sa pangangalaga ng National Meat Inpection Service (NMIS) upang suriin dahil maikokonsidera umano itong mga smuggled goods.
Sa ngayon nasampahan na ng kaso at naipaabot na rin sa Regional Office ang naturang sitwasyon para sa karapampatang aksyon.