-- Advertisements --

laspinas1

Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anim na umanoy drug suspeks sa ikinasang buy bust operations sa may bahagi ng Tionquiao St., Gatchalian Subdivision, Las Piñas City kaninang alas-10:40 ng umaga kung saan nakuhanan ang mga ito ng 38 kilos ng pinaniniwalaang shabu.

Kasama sa nasabing operasyon ang mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP).

laspinas3


Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga inarestong suspeks na sina Reyano Oraid; Khen Moreno; Efren Mangona; Redzcan Oraid, Abdulmunir Addin at Shay Mokamad.

Bukod sa nakumpiskang 18 kilos ng shabu, nakuha sa posisyon ng mga suspeks ang isang unit ng cellphone, isang unit na keypad phone, isang mitsubishi expander, iang unit na red KIA RIO mga ID at buy bust money.

Kasalukuyang naka kulong sa detention facility ng PDEA sa Quezon City ang mga suspeks.