Aabot sa P1 milyong halaga ng mga hindi rehistradong COVID-19 test kits ang nakumpiska ng mga kapulisan sa lungsod ng Navotas.

Ayon sa PNP, nasa 7,700 na mga unregistered test kits ang nakumpiska sa naarestong suspek na si Liset Lo Kaw at kasama nitong si Christian Casanova Cruz ng San Rafael Village.

Sinasabing mga miyembro ng sindikato ang mga naarestong suspek na nabebenta ng mga hindi rehistradong COVID-19 test kits.

Isinagawa ang operasyon matapos ang paglapit sa PNP ng Food and Drugs Administration (FDA) sa talamak na pagbebenta ng mga hindi rehistradong test ktis.