Sumampa na sa P1.45 billion ang halaga ng mga naitalang nasira na mga pampublikong infrastructure mula sa tatlong rehiyon na hinagupit ng bagyong Agaton.
Ito ay batay sa inisyal na pagtaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado, ang DPWH Bureau of Maintenance ang nagsagawa ng damage assessment kung saan ang estimated cost of damage sa mga nasirang national roads at mga tulay ay umabot sa P1.45 billion, at ito ay mula sa Regions 8 (Eastern Visayas), Region 12 (Soccksargen), at Region 13 (Caraga).
Paliwanag ni Mercado ang estimated damage sa infrastructure lalo na sa mga national roads ay pumapalo sa P1.30 billion hanggang P1.27 billion at P30 million naman sa mga tulay.
Batay sa ulat ng DPWH nasa P6.06 million damage sa national roads sa Region 12, habang sa Region 13 ay nasa P118.4 million ang damage sa national roads at P27 million sa mga tulay.
Iniulat din ni Sec Mercado na 47 sa 50 affected roads sa Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas ay kanila ng na cleared at muli ng binuksan para madaanan ng publiko.
Sa ngayon patuloy pa rin ang DPWH Quick Response Teams sa pagsasagawa ng clearing operations sa tatlong nananatiling sarado na national road sections sa Leyte at Southern Leyte.
Sa Southern Leyte, ang Maasin City – Buenavista Bontoc – Bdry. Hilongos Road (Maasin – Bontoc) sa Barangay Lunas ay nananatiling sarado; ang San Miguel – Conception – Daang Maharlika Road., K1210+415 – K1211+348 ay nananatiling sarado habang ang Bil-atan, San Ricardo – San Roque, Liloan Road sa Barangay San Roque at Barangay Malangsa, Liloa-an at ang Barangay San Ramon, San Ricardo, Southern Leyte ay sarado pa rin dahil sa landslide at rockslide.
Siniguro ni Sec. Mercardo na round the clock ang ginagawang clearing operations ng DPWH sa mga nasabing lugar.