-- Advertisements --

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na sa kabila ng mga pambabatikos at pangungutya na ibinabato laban sa kaniya at sa iba pang mga opisyal ng pamahalaan, siniguro nito na hindi sila titigil sa pamamahagi ng tulong para sa mga kababayan natin na naghihirap.

Ayon kay Speaker Romualdez binuo ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Marcos upang tulungan ang ordinaryong mga Pilipino na nahihirapang makakuha ng serbisyong ibinibigay ng gobyerno.

Sabi pa ni Speaker sa kauna-unahang pagkakataon, sa kasaysayan ng ating bansa, si President Bongbong Marcos lang ang nakagawa ng ganitong klaseng programa.

Ang BPSF sa Oriental Mindoro, na siyang kauna unahan sa MIMAROPA o Region IV-B, ang ika-13 sigwada ng Serbisyo Caravan.

Ang BPSF ang ay isang one-stop-shop ng lahat ng serbisyo ng pamahalaan gaya ng LTO driver’s license renewal, PhilHealth registration at aplikasyon ng DFA passport, NBI clearance, police clearance, PSA birth certificate, Pag-IBIG membership at housing loan, SSS membership and at UMID, at iba pa.

“Sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang serbisyo publiko ay MABILIS, MAAYOS, MAGINHAWA AT MASAYA.”

Ito ang mensaheng ipinarating ni Speaker Romualdez sa paglulungsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Oriental Mindoro kahapon, Sabado kung saan nasa P1.2 bilyong halaga ng tulong pinansyal at programa ang dala para sa may 50,000 residente.

Bnigyang-diin ni Speaker Romualdez na ito na ang resulta ng panawagan ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr., na ilapit sa mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan, lalo na ‘yung may kinalaman sa pagbibigay tulong-pinansiyal at bigas sa ating mga kababayan.

Dagdag pa ni Romualdez na pangako ito ni Pangulong Bongbong Marcos, kaya patuloy silang mag-iikot at maghahatid ng tulong hanggang sa marating ang bawat sulok ng Pilipinas.

Sa araw ng Linggo, 42 national agencies ang makikibahagi sa pagbubukas ng 265 serbisyo sa tinatayang 50,000 na benepisyaryo.

Sa P1.2 bilyon na halaga ng tulong at serbisyo, P278 million ay tulong pinansyal.

Kasama dito ang province-wide payout ng DSWD sa 14 na bayan at isang lungsod ng probinsya para sa may 28,000 benepisyaryo ng AICS na may kabuuang halagang P62 milyon.

Magkakaroon din ng payout ang DOLE para sa 9,000 indibidwal na naapektuhan ng oil spill kaugnay ng paglubog ng MT Princess Empress sa bahagi ng Naujan, Oriental Mindoro, na nagkakahalaga ng P115 milyon.

Mamamahagi rin ang Philmech ng P145 million na halaga ng agri-machineries sa 52 farmers’ cooperatives and associations (FCA) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program na binuo alinsunod sa Rice Tariffication Law.

Ginanap ang pagbubukas ng BPSF sa Oriental Mindoro National High School nitong Marso 9, kung saan 22 ahensya ang nagsagawa ng ceremonial turnover ng 20 programa.