-- Advertisements --

Nagtungo na sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Egypt para tulungan ang mga na-stranded ng mga Filipino sa Sudan.

Sinabi ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na sila ang magdadala ng mga pagkain sa Filipino na nasa border ng Cairo at Sudan.

Mula kasi ng ipatupad ang 72 oras na ceasefire ay may mga Filipino ang tumatawid sa border para makaiwas sa patuloy na kaguluhan sa Sudan.

May binuo na rin silang tracker team para malaman ang mga kinaroroonan ng mga Filipino na naiipit sa patuloy na kaguluhan sa Sudan.

Prioridad nila ngayon ay maitawid ang mga Pilipino sa border ng Egypt at option na lamang ang pagpapauwi sa kanila.

Magugunitang nasa 400 Filipino na ang nailikas sa Sudan mula ng ipatupad ang 72 oras na ceasefire.