CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang maglabas nang pahayag ang pamunuan ng Northern Mindanao Regional Training Hospital sa lungsod may kaugnayan sa alegasyon na kinuhanan umano ng internal organs ang 15-anyos na lalaki na namatay sa naturang ospital.

Sinabi ni Brgy Lapasan Administrator Jeoffrey Baconga na namatay sa sakit na hepatitis noong nakaraang linggo si Chan Gamao na residente sa naturang Barangay at pinakiusapan ng medical staff ng ospital ang pamilya na kukuhanan ng sample ang katawan ng binatilyo kaya’t pinayagan naman ito.

Ayon kay Baconga laking gulat ng pamilya dahil pagdating sa punerarya, natuklasang wala umanong ng utak ang bata at wala na ring laman ang tiyan maliban na lamang sa mga inilagay na diyaryo.

Kasalukuyang nakaburol ang biktima sa kapilya ng San Juan 1 sa naturang barangay.