-- Advertisements --
Naging matagumpay ang paglapag sa kalupaan ang space craft ng NASA na Spectral Interpretation, Resource Identification, Security-Regolith Explorer (OSIRIS-REx).
Ang OSIRIS-REx ay isang uri ng spacecraft na ipinadala ng NASA para mangulekta ng samples mula sa asteroid na Bennu.
Gamit nito ang robotic na kamay na nakakabit para mangulekta ng mga bato at dumi mula sa ibabaw ng nasabing asteroid.
Ipinalipad ang OSIRIS-REx mula sa Florida noong Setyembre 8, 2016.
Bumagsak ang capsule nito sa disyerto ng Utah kung saan pinuntahan na ito ng mga recovery team ng NASA.
Pag-aaralan ng mga eksperto ang nakuhang samples para malaman ang pinagmulan ng tao.