Inilabas ng organizers ng Academy Awards o kilalang Oscars Awards ang mga gagawin nilang pagbabago sa ceremony.

Ayon sa organizers na magkakaroon pa rin ng in-person event na ito ay mai-ere sa iba’t-ibang mga lugar dahil sa coronavirus pandemic.

-- Advertisement --

Tiniyak din nila na mahigpit na susundin ang health protocols na ipinapatupad sa mga lugar na kung saan ipapalabas ang in-person awarding sa buwan ng Abril.

Kabilang sa napiling lugar ay ang Dolby Theater sa Hollywood na siyang ilang beses na lugar kung saan ginaganap ang awarding.

Unang itinakda ang nasabing awarding noong Pebrero 28 subalit dahil sa pandemic ay iniurong na ito sa Abril 25.