-- Advertisements --

All set na sa July 16 ngayong taon ang muling pagbubukas ng PBA season.

Ito ang kinumpirma nitong hapon ni PBA Commissioner Willie Marcial matapos aprubahan ang kanilang apela ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ang opening ng PBA ngayong 2021 season ay magaganap sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

PBA marcial
PBA Commissioner Willie Marcial

Aminado si Marcial na nahirapan sila na kumbinsihin ang IATF na payagan ang muling pagbubukas ng PBA games.

Kabilang sa patakaran ng PBA na lahat ng mga players at mga miyembro ng team ay kailangang sumailalim sa RT-PCR test tatlong araw bago ang PBA opening.

Kanina ay nagsagawa pa ng emergency meeting ng board of governors ng PBA dahil isang linggo lamang ang pagitan ng preparasyon.

Nasa 95 porsyento na rin ang nabakunahan sa mga bumubuo ng PBA.