Napuno ng kantahan, sayawan at fireworks ang pagbubukas ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Napuno ang 60,000 seating capacity ng Morodok Techo National Stadium ng mga sports fans dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na maging host ang nasabing bansa.
Sa nasabing opening ceremony ay ipinamigay ang tickets para maging bahagi sa kasaysayan ng Cambodia.
Bawat mga kasaling bansa ay pumarada sa opening ceremony kung saan kada pagpasok ng mga manlalaro at delegado.
Pinangunahan naman ni volleyball star Alyssa Valdez ang Philippine team na siyang naging flag bearer.
Kasama nitong pumarada sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, chef de mission Chito Loyzaga at deputy chef de mission Leonora Escollante.
Mainit silang binati ni Cambodian Prime Minister Hun Sen at ilang mga mataas na opisyal ng bansa.
Mayroong kabuuang 608 na gold medals ang paglalabanan ng mga delegado.
Target ng Pilipinas na mag-improve ang kanilang performance dahil noong nakaraang SEA Games sa Vietnam ay mayroong kabuuang 227 medalya ang nahakot ng bansa na kinabibilangan ng 52 golds, 70 silvers at 105 bronze medals.
Ilan sa mga atleta na mangunguna ay ang mga boksingero na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam, pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo.
Hindi naman lalahok ngayong taon torneo sina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at boxer Eumir Marcial.