-- Advertisements --

Nagdala ng P400 milyon na na kita sa kaban ng gobyerno ang onilne sabong.

Ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR) chair and CEO Andrea Domingo, dahil sa COVID-19 lockdowns at mga ipinapatupad na quarantine restrictions ay lumakas ang kita ng mga online gambling.

Tanging ang online sabong ang kumikita ng pera para sa gobyerno.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroong apat na lisensiyadong operator ng online sabong.

Mula pa noong Mayo ay kumita ang gobyerno sa nasabing mga online sabong ng nasa P16 billion.

Target ng PAGCOR na kumita ng nasa P38 bilyon mula sa online sabong hanggang sa katapusan ng taon.