-- Advertisements --
dswd educational assistance3

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng one-time extension sa pamamahagi ng educational assistance program nito.

Ito ay bago ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang anim na linggong payoout sa darating na September 24, 2022.

Ngunit paglilinaw ni DSWD Spokesperson Romel Lopez, ang naturang extension ay nakadepende pa rin sa availability ng pondo ng kagawaran mual sa Php1.5 na allocation pagkatapos ng huling araw ng pamamahagi ng naturang ayuda.

Dagdag pa niya, kasalukuyan nang pinag-aaralan ni DSWD Sec. Erwin Tulfo ito dahil sa dami na rin ng mga aplikante nais na mapabilang sa naturang programa.

Samantala, sa kaparehong pahayag ay muli rin binigyang-diin ni Lopez na hindi sila muling tatanggap pa ng mga bagong aplikante dahil ang mga kababayan natin na walang access sa internet o gadget lamang ang kanilang kukunin sakaling matuloy ang naturang plano.