-- Advertisements --

Irerekomenda ni House Speaker Martin Romualdez kay Pang. “Bongbong” Marcos Jr. na magpatupad ng one-strike policy laban sa mga kolektor ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs na bigong makuha ang kanilang target revenue collection.

Sinabi ni Romualdez, na sa ganitong paraan, masisiguro ang dagdag na pondo para sa mga targeted subsidies, hospitalization, education, job creation, at iba pang social protection programs para sa mga itinuturing na most vulnerable sectors ng ating lipunan.

Siniguro naman ni Speaker Romualdez na sa pamamagitan ng oversight function ng House of Representatives, tututukan nila ang magiging performance ng ibat-ibang departmento at ahensya ukol sa implementasyon ng mga polisiya at programa na iminamandato sa kanila ng batas.

Naniniwala si Romualdez na ang one strike-strike policy ay susi upang makamit ang revenue goals ng pamahalaan.

Sabi ni Speaker Romualdez, Kailangan ang dagdag na pondo para sa mga ayuda, libreng pang-ospital, edukasyon, transportasyon, paglikha ng mga trabaho sa pamamagitan ng infrastructure projects at iba pang mga programa na makatutulong sa taumbayan.

“I will recommend to President Marcos a one-strike policy against collectors who will miss their target revenues. The one strike-strike policy is a key step towards achieving our revenue goals. Kailangan natin ang dagdag na pondo para sa mga ayuda, libreng pang-ospital, edukasyon, transportasyon, paglikha ng mga trabaho sa pamamagitan ng infrastructure projects at iba pang mga programa na makakatulong sa taong-bayan,” pahayag ni Speaker Romualdez.