-- Advertisements --
Plano ng gobyerno na bumuo ng business one-stop shop (BOSS) para mapabilis ang pagproseso ng mga permit sa mga shipping industry.
Ayon sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) na ito ang kanilang nakikitang solusyon para mapabilis ang paglalabas ng mga permit.
Maisasakatuparan ito sa tulong na rin ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.
Nabuo ang nasabing plano matapos ang ilang pakikipagpulong ng ahensiya dahil sa matagal at mahabang proseso sa pagkuha ng mga permits ng isang shipping company.
Sa mga susunod na araw ay isasagawa ng ARTA ng memorandum of Agreement (MOA) para bumuo ng technical working group (TWG) na tatalakay sa nasabing usapin.