-- Advertisements --
Nananatili pa ring dominant variant sa Pilipinas ang Omicron sub-variant na BA.2, kumpara sa ibang variant ng COVID-19.
Sinabi ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante, madaling tamaan ng naturang virus ang mga immmunocompromised individuals at mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna.
Ayon kay Solante, pinag-aaralan nila ang taunang pagtuturok ng bakuna, kapag nagpatuloy ang ilang kaso nito sa ating bansa.
Paliwanag nito, hindi maiiwasang mag-mutate ang virus kaya’t mas mainam na protektado sa sakit ang malaking bilang ng ating populasyon.