-- Advertisements --
Inihayag ng Office of the Ombudsman na suportado ang inilabas na desisyon ng Bicameral Conference Committee na i-livestream ang mga proceedings nito.
Ayon sa Ombudsman, ang transparency sa deliberasyon sa parte ng lehislatura ay makapagpapalakas na mapatibay ang tiwala ng publiko pati katiyakan sa pananagutan ng gobyerno.
Kung saan hinimok ng Ombudsman na ang mga gawaing pagiging bukas ay makapagpapahintulot sa publiko na maunawaan at makibahagi sa demokratikong proseso.
Umaasa silang sa inisyatibong ito na hindi magiging ‘exemption’ sa panuntunan bagkus gawing ‘standard practice’ sa mga susunod.
Habang naniniwala ang Office of the Ombudsman na ang inisyatibong ito ay makabuluhang hakbang para sa mas bukas at responsableng gobyerno.