Mariin tiniyak ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na tuloy pa rin ang kanilang binubuong kaso laban sa ilang mga nakaupong senador.
Sa naganap na pulong balitaan ng tanodbayan, ito ang naging pagtitiyak niya nang matanong kung kumusta na ang kaso kontra kay Sen. Chiz Escudero.
Aniya’y tuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng Office of the Ombudsman sa kasong inihahandang posibleng ihain laban sa mambabatas.
Subalit kanyang sinabi na sinusuri pa nilang maigi ang mga natatanggap na impormasyon o ebidensiya sapagkat giit niya’y hindi naman lahat ng ito ay mapagkakatiwalaan.
Ani pa niya’y nasa ‘fact finding stage’ pa rin ang kasong inihahanda laban kay Senador Chiz Escudero.
Kaugnay ang nabanggit sa pagkakasangkot ng senador sa maanomalyang flood control projects na iniimbestigahan ng Ombudsman.
Habang patungkol naman sa kaso laban kay Sen. Joel Villanueva, tiniyak ni Ombudsman Remulla na patuloy din nila itong inihahanda.















