-- Advertisements --

Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na siya ay na-diagnose ng leukemia matapos sumailalim sa quintuple bypass heart surgery noong 2023 habang nagseserbisyo bilang Department of Justice (DOJ) secretary.

Ayon kay Remulla, natuklasan ang cancer sa dugo habang siya ay nagpapagaling mula sa operasyon. Sumailalim siya sa dalawang cycle ng chemotherapy, total body radiation, at bone marrow transplant, na kinuha ang dugo mula sa kanyang anak, kung kaya’t siya’y gumaling.

“My blood now is not my old blood. It is blood from my son. We are a full match, that’s how I recovered and the prognosis looks good,” ani Remulla.

Ito ang unang pagkakataon na kanyang ibinahagi ang kanyang karanasan sa leukemia, na naganap kasunod ng kanyang 10-araw na wellness leave sa DOJ noong 2023.