-- Advertisements --

Naglatag ng panukala ang bansang Oman para mapaganda ang daloy ng trapiko sa Strait of Hormuz.

Ang nasabing hakbang ay matapos na makapulong ni Iran Foreign Minister Abbas Araghchi kay Omani Foreign Minister Sayyid Badr Albusaidi.

Tinalakay nila ang mekanismo para matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga barko sa dagat.

Natitiyak din nila na hindi nalalabag ang freedom of navigation sa strait.

Nasa Oman ang Iranian Foreign Minister para magkaroon ng ilang kasunduan sa ligtas na pagdaan ng mga barko.