
Aminado ang coach ng Olympian long distance runner na si Maryjoy Tabal na kinapos sa ensayo ang atleta kaya nag-collapse ito matapos ang mahabang karera.
Ayon sa kanyang coach at two-time Olympian na si Eduardo Bunavista, sa Japan kasi nag-ensayo si Tabal kaya nahirapan siyang mag-adjust sa klima dito sa Pilipinas.
Kwento pa ni coach Buenavista, pagdating sa Pilipinas mula Japan ay hindi na aktuwal na nag-ensayo si Tabal at sinurvey lang ang mga rutang dadaanan.
Gayunman, pinuri pa rin niya si Tabal dahil tinapos nito ang karera at pumangalawa pa sa puwesto kasunod ng Pinay runner na si Christine Hallasgo.

Sa pagtatanong naman ng Bombo Radyo kay Tabal, wala itong ano mang nararamdamang inggit o galit kahit hindi niya nadepensahan ang kanyang korona.
Aniya masaya at proud siya sa nakamit na tagumpay ni Hallasgo.















