mary joy tabal 1
Mary Joy Tabal

CEBU CITY – Handa na ang lungsod ng Cebu sa 30th SEA Games Torch Run na gagawin bukas sa kahabaan ng South Road Properties.

Inaasahan na tatakbo ang 6,000 na mga runners kung saan kasali na rito si Cebu City Mayor Edgardo Labella bilang isa sa mga torch bearer.

Kabilang sa nasabing bilang ang mga police officers, mga estudyante, mga empleyado ng pamahalaan, at marami pang iba.

Manguguna sa seremonyaS si Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino, kasama ang ilang Cebuano athletes gaya ni Mary Joy Tabal bilang torch bearers.

Nabatid na may mga gagawing road closure para sa nasabing event na magsisimula bandang alas 2 ng hapon hanggang pasado alas 7 ng gabi.

Isa ang Cebu City sa mga napiling venues sa ceremonial torch relay bilang paghahanda sa 2019 SEA Games na sisimulan ngayong November 30.