-- Advertisements --

Tinanghal bilang world heavyweight champion sa ikalawang pagkakataon si Oleksandr Usyk.

Ito ay matapos na pabagsakin niya sa ikalimang round si Daniel Dubois sa Wembley Stadium sa London.

Napanatili ng undefeated southpaw boxer ang kaniyang WBA, WBC at WBO belts at nabawi ang IBF belt.

Sa ikalimang round ay dalawang beses na pinabagsak ni Usyk si Dubois kung saan isinara ang laban sa pamamagitan ng kaniyang left hook na tumama sa baba ni Dubois.

Sinabi ng 38-anyos na Ukrainian boxer na hindi pa ito magreretiro kung saan pinangalanan niya ang ilang mga nais niyang makalaban.

Ilan sa mga nais nitong makalaban ay sina Tyson Fury, Derek Chisora Anthony Joshua at Joseph Parker.

Mayroon ng record si Usyk na 24 panalo at wala pang talo na mayroong 15 knockouts na habang ang British boxer na si Dubois ay mayroong 22 panalo, tatlong talo at 21 na knockouts.