-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng itinuturing na pinakamatandang namatay dahil sa COVID-19 sa buong Pilipinas.
Ito ay ang 105-anyos na lalaki mula sa bayan ng Maasin, Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Maasin Mayor Francis Amboy, sinabi nito na dinala sa ospital ang pasyente matapos nagkasakit hanggang sa nakitaan ng sintomas ng COVID-19.
Pinaniniwalaang nahawaan ang biktima ng COVID-19 sa loob mismo ng ospital.
Kaagad namang isinailalim sa strict home quarantine ang pamilya ng at ibang nakasalamuha ng pasyente at isinailalim sa swab test.