Nagpatupad na ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang produkto.

Simula kaninang 6 a.m, ay mayroong P0.30 sa kada litro na bawas ang diesel at P0.25 kada litro sa gasolina ang Pilipinas Shell, Petroleum Corp., Petro Gazz at SEAOIL Philippines.

Mayroon namang P0.15 sa kada litro ng kerosene ang ibinawas ng Shell at SEAOIL.

Ayon sa Department of Energy na mula pa noong Enero ay mayroon ng P4.97 sa kada litro ang ibinawas sa gasolina, P8.54 naman sa kada litro sa diesel at P12.99 sa kerosene.