Magpapatupad ang mga kompaniya ng langis ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto.

Aabot sa P1.05 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang P0.75 ang price hike sa kada litro ng diesel habang nasa P0.60 ang itataas sa bawat litro ng kerosina.

Magiging epektibo ang panibagong oil price hike simula Martes Abril 16 ng alas-6:00 ng umaga.