Asahan muli ang pagtaas ng presyo ng mga produktong langis sa bisperas ng pasko sa bansa.

Maglalaro mula P1.10 hanggang P1.20 kada litro ang itataas sa bawat litro ng diesel habang P1.00 hanggang P1.10 sa kada litro din ang itataas sa kerosene.

Wala namang paggalaw ang mga gasolina.

Ayon sa mga kumpanya ng langis na tumaas ang pangangailangan sa diesel kumpara sa gasolina dahil sa kasunduan ng China at US.