Asahan umano ulit na magkakaroon ng rollback sa mga presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga energy sources, inaasahang papalo sa P0.30 hanggang P0.40 ang kada litro ng gasolina.

Habang P0.20 hanggang P0.30 naman sa kada litro ng kerosene, at posibleng hanggang P0.15 naman sa diesel.

Bahagya kasing bumaba ang presyo ng petrolyo sa world market sa nagdaang linggo maliban pa sa masiglang performance ng piso kontra dolyar.

Karaniwang ipinapatupad ang bawas presyo sa mga oil products sa araw ng Martes.