-- Advertisements --
Kanya kanya na ng anunsiyo ang mga oil companies upang kumpirmahin ang ipapatupad na oil price rollback ngayong araw ng Martes.
Karamihan sa mga kompaniya ng langis ay ipapatupad ang rollback dakong alas-6:00 ng umaga tulad ng SeaOil, PetroGazz, Pilipinas Shell, UniOil, Eastern Petroleum, at PTT Philippines.
Inanunsiyo ng mga oil firms ang bawas presyo sa gasolina sa P1.65 kada litro, sa diesel naman ay may rollback na P1.25, habang sa kerosina ay P1.35 bawat litro.
Samantala, mas maaga na magpapatupad ng kanilang rollback nitong alas-12:01 ng Martes ang Pilipinas Shell at ang Cleanfuel.
Sinasabing ito na ang ikaapat na sunod na linggo na merong rollback sa presyuhan ng mga produktong petrolyo.