
Pumalo na sa halos 20,000 ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ang nakabalik sa bansa na naipit dahil pa rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa iba’t ibang dako ng daigdig.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, sa ngayon aabot na sa 19,466 ang na-evacuate na OFWs.
Sa susunod na mga araw, marami pa raw darating na mga OFWs at aasahan ang libo-libo pang mga kababayan na uuwi ng bansa.
Siniguro naman ng DFA base na sapat ang bilang ng grupong aalaaly sa mga uuwing Pinoy dito sa bansa.
Lahat daw ng mga uuwing OFW ay kailangan sumailalim sa 14-day quarantine.
Ang mga crew o passengers namang nag-quarantine na sa mga cruise ships na pinagta-trabahuan nila ay puwede nang dumiretso na sa mga pamilya nila.
Sa ngayon, pinag-usapan na raw ng DFA ang proseso ng pamamahagi ng certificate of completion of quarantine at pagbiyahe ng mga ito sa kanilang mga probinsiya.
















